Ang Malakas, Ang Maganda at ang Matandang Palalo
Katulad ng mga kuwento ng mga lolo at lola natin, sige, simulan ko ito sa mga katagang..."noong unang panahon..."
Noong unang panahon, wala ang tao sa mundo. Tanging mga halaman lamang at ibat-ibang uri ng hayop ang gumagala sa sa kalupaan, katubigan, kalawakan at sa mga sulok ng kalye at peryahan. Wala pa talagang tao noon, as in wala.
At ang dakilang Anito, habang pinagmamasdan ang kanyang nilikha ay tila nakaramdam ng kalungkutan. Nakakatuwa ang sigla ng mga hayop at halaman na naabot ng kanyang tanaw, mga four kilometers, habang nakikita niyang lumilipad ang mga ibon, ang mga paru-paro ay padapo-dapo kung saan at ang atungal ng mga baka, elepante, lion at iba pang hayop ay naging pang-araw-araw na niyan libangan. Subalit kulang pa rin talaga ang tanawin na iyon. Parang hindi kumpleto ang isang araw niya dahil sa kung anong kawalan. Saka naisip ng Anito...
"Hindi kaya napra-praning na ako?"
Kinurot ng Anito ang kanyang pisngi....tama, totoo nga ang kanyang nararamdaman, may malaking kulang sa kanyang mga nilikha at para ding kumukulo ang kanyang tiyan.
Naging malungkutin ang Anito sapagkat wala Siyang makita at marinig, maliban sa mga kokak, atungal, langitngit at panaka~nakang utot ng mga kalabaw na busog sa damo at ecstacy.
Bigla siyang napa-isip...
"para talagang may kulang......"
Saka siya nag desisyon na kailangan niya uling gumawa ng mga nilalang ayon sa kanyang hitsura, pero dapat hindi mahaba ang balbas.
"para talagang may kulang......"
Saka siya nag desisyon na kailangan niya uling gumawa ng mga nilalang ayon sa kanyang hitsura, pero dapat hindi mahaba ang balbas.
Iginalaw ng Anito ang kanyang kamay parang sa postura ni Goku at iginalaw ang mga kamay parang nag-iipon ng energy ng Kame-Hame wave. Tumingala siya sa langit at itinuro ang kanyang finger sa isang tambak na putik.
Parang may mga kuryente at kidlat na tumama sa nasabing tambak ng putik, hanggat unti-unting gumalaw ang nasabing putik at unti-unti ring nagkaroon ng hugis. Nagkaroon ng maraming muscle ang unang putik, may kaunting balbas at tinubuan ng kung anong mahabang bagay sa ilalim ng kanyang puson, sa gitna ng hita nito. Kalaunan ay tinawag niya itong titi.
Natuwa ang Anito sa una niyang nilikha, kahit na napansin niya itong medyo hindi perfect. Palibhasa kasi, medyo maliit ang ulo nito pero masyadong malaki ang mga muscle sa katawan. Medyo natawa din ang Anito dahil maliit ang ti** nito, sinlaki lang halos ng kanyang middle finger. Tinawag niya itong lalaki, at binigyan ng pangalan na Malakas a.k.a. Johnny Bravo. At natuwa ang Anito sa una niyang nilika. Natawa din siya sa ga-daliring kargada nito.
Ngunit napansin ng Anito na parang malungkot si Johnny Bravo. Parang napapansin niyang may hinahanap ito lagi.
Saka naisip ng Anito na baka kailangan ni Johnny Bravo ng kasama sa buhay. Naisip ng Anito na gumawa ng kaparis ni Johnny Bravo para maibsan ang kanyang lungkot.
Muling itinaas ng Anito ang kanyang kamay, at itinuro ang middle finger sa langit. Wala siyang makitang tumpok ng putik, pero may isang tumpok ng ebak ng kalabaw sa gilid. Dun niya itinutok ang kanyang middle finger at saka lumabas uli ang maraming kidlat, kumulog ng malakas. Yumanig ang lupa at nilukob ng malaking apoy ang ebak ng kalabaw.
Sa takot na baka masunog ang ginagawa niyang kaparis ni Johnny Bravo, nagmamadaling binuhusan ng tubig ng Anito ang umaapoy ng ebak ng kalabaw. Tumulong na rin si Johny bravo sa pag apula ng apoy. Huli na ng madiskubre nilang tubig pala ng pusali ang naibuhos nila sa ikalawang nilalang na mula sa tae ng kalabaw.
Tinitigan nila ito habang unti-unting gumagalaw. Nagkaroon na rin ng hugis una, ang kanyang mukha, ang kanyang kamay, katawan at paa. Matapos ang ilan pang minuto, nabuo na ang ikalawang nilalang. Nagkatinginan ang Anito at si Johnny Bravo at lihim na napapatawa. Parehas silang nagpipigil na humalakhak. Nadiskubre nilang may mali sa ikalawang nilika.....mali ang naging puwesto ng titi nito..... Halatang-halata ng titi nitong nakalaylay sa kanyang noo. At hindi tulad ng una niyang nilikha, si Rodrigo ay halata at mukhang matanda na, parang hinete ng kabayo na matagal nang nag-resign sa trabaho.
Tinawag ng Anito ang ikalawang nilikha sa pangalang Rodrigo. Kagaya ng bagong silang na kalabaw, umiyak din si Rodrigo at ang unang palahaw ng iyak ng katagang ito ay....
"Putang ina, papatayin ko kayo!!"
At na-badtrip ang Anito sa ikalawa niyang nilikha.
Nagpahinga ang Anito ng 6-months. Sa panahong iyon, napansin niyang hindi masaya ang mga nilikha. Kung hindi man nagsusuntukan, madalas na magmurahan ang dalawang nilikha, palibhasay lumaking bully at palamura ang matandang si Rodrigo.
Napaisip si Anito at nagdesisyong gumawa ng isa pang nilalang na magpapasaya sa dalawang nilikha.
Muling itinaas ng Anito ang kanyang kamay at itinuro sa isang kumpol ng putik. Siniguro niyang hindi na ito ebak ng kalabaw. May katamtamang dami ng kidlat ang tumama sa nasabing puti.
Sa bisa ng powers at kame-hame wave ng Anito unti-unting nagkakaroon ng hugis ang ikatling nilika. Nagkaroon ito ng magandang mukha, mataas ang balikat at may malalaking dibdib.
Nang makita ni Rodrigo ang dibdib ng ikatlong nilikha, tumakbo ito palayo at nagtago sa likod ng isang puno habang hinahaplos ang ti** sa kanyang noo.
Pagkalipas ng ilan pang minuto, nabuo na ang ikatlong nilalang na babae....perpekto ang pagkakagawa ng Anito sa kanya at kamukhang-kamukha ni Joyce Jimenez. Tinawag ng Anito ang ikatlong nilikha na Leila Maganda.
Natuwa ang Anito sa kanyang nilikha maliban kay Rodrigo na ugali nang pumaslang ng mga elepante at kalabaw at ugali ring suminghot ng tuyong dahon ng tanglad.
Sa ika-pitong araw, namahinga ang Anito at nag-file ng indefinite leave dahil sa sakit ng ulo sa mga bisyo ni Rodrigo.
Habang tumatagal, nagka-ibigan si Johnny Bravo a.k.a. Malakas at si Leila Maganda. Madalas makikitang nag uusap at nagbubulungan si Johnny Bravo a.k.a. Malakas at si Leila Maganda. Madalas ding nakabuntot si Rodrigo at sinisilip lahat ng ginagawa ng dalawa.
Hindi nagtagal, naging mag asawa si Johnny Bravo at Leila Maganda. Naging masaya ang pagsasama nila. Samantala, dahil sa sobrang inggit, naghanap din ng mapapangasawa si Rodrigo. Una niligawan ni Rodrigo si Johnny Bravo ngunit tumanggi ito.
Sa huli, nahulog ang loob ni Rodrigo sa kalabaw na nagluwal ng tae na pinagmulan niya. Naging masaya naman ang pagsasama ni Rodrigo at ng kalabaw! At araw-araw, lagi silang nagmamahalan sa likod ng punong kakawate.
Tumagal ng lima pang taon ang pagsasama ng dalawang pares; si Johnny Bravo a.k.a. Malakas at Leila Maganda at ang pares nila Rodrigo at ang kalabaw.
Ngunit hindi katulad ng unang pares, ni minsan ay hindi nabubuntis ni Rodrigo ang Kalabaw. Si Johnny Bravo at Leila Ganda ay mayroon nang 12 anak, samantalang si Rodrigo ay wala pa.
Lumipas pa ang limang taon at naging masaya ang mag asawang Johnny at Leila, samantalang si Rodrigo ay nanatiling inggit at galit dahil sa hindi siya magka anak sa kalabaw. Madalas niyang murahin ang Anito dahil dito.
"Putang ina mo Anito, bakit ayaw mo'kong bigyan ng anak!"
Nagalit ang Anito kay Rodrigo ngunit hinayaan niya muna itong magbago.
Ngunit sa halip na magbago, lalong napraning si Rodrigo. Sinakal ni Rodrigo ang panganay ng mag-asawang Johnny at Leila. Kinabukasan, nilason naman ni Rodrigo ang bunso ng mag-asawa hanggang mamatay din ito. Parang nasasarapan si Rodrigo sa ginagawa niyang pagpatay hanggat mapatay pa nito ang dalawa pang anak ng mag-asawa.
Ginagawa ni Rodrigo ang pagpatay pagkatapos na suminghot ng usok ng pinatuyong tanglad.
Hindi naglaon, pinatay lahat ni Rodrigo ang mga anak ni Johnny at Leila. Nang wala nang makitang mapatay at dahil naubos ng kalabaw ang mga tanglad sa bukid, pinatay na rin ni Rodrigo ang asawa niyang kalabaw.
Lumipas ang marami pang taon at muling nagka anak ang mag asawang Johnny at Leila samantalang si Rodrigo ay naging pusakal na taga singhot ng sinusunog na dayami.
Naging masaya at naging marami ang anak ni Johnny at Leila l, singdami na halos ng lahat ng hayop sa kanilang lugar, na halos mapuno ang islang tinitirhan nila.
Samantala, hindi na nila nakikita si Rodrigo. May nagsasabing nagpakamatau ito sa sobrang lungkot dahil patay na ang asawa niyang kalabaw.
Mayroon namang nagsasabi na palihim itong lumayas at pinilit ang Anito na gawan siya ng maraming asawa. Ang balita ay nag asawa ito ng 23 na babae, mga bata at matanda, at gumawa ng maraming anak..... Kalahati sa mga anak niya, ayon sa balita ay pinagpapapatay din ni Rodrigo. Ayon din sa balita, mas madalas at mas matindi ang pagmumura ni rodrigo, na dahil sa sobrang lutong ng mura nito, kumukulog at kumikidlat ang langit......
Hindi alam ng mag asawang johnny at leila kung ano ang totoong sinapit ni Rodrigo. Ngunit magkagayon man, laging pinapa alalahan ng mag asawa na umiwas sa isang matanda na mahilig magmura at baka bigla sila nitong patayin kung hindi man gahasain.
Hindi nila alam, sa isang kalapit na Isla, may isang matanda na may nakakatakot na mukha na gabi-gabi ay natitig sa Isla nila Johnny at Leila. May hawak itong mahabang itak sa kanang kamay at mayroon ding hawak ng mga tuyong dahon ng bayabas sa kaliwang kamay nito. Puno ng galit ang kanyang dibdib at naghihimagsik ng paghihiganti....




Comments
Post a Comment