Posts

SAMPLE RESIGNATION LETTER NA HINDI MO DAPAT GAWIN

Image
Template ng isang resignation letter na gawa ng isang fed-up na empleyado Kumusta kayong lahat? Ako si Malayang Juan o Juang Malaya. Actually, ang apelyido ko talaga Malaya, kaya  mas  totoo sana na ang pangalan ko ay Juan Malaya. Hindi ko alam bakit naging Malayang Juan ang pangalan ko. Siguro, nagkataon na nung panahon na nagpipirma ng birthcertificate ko si Amang, dala na rin marahil sa gutom at pagod sa pangungutang ng ipambabayad sa ospital, nag-fill up siya ng birth certificate form ng baligtad ang papel, o kaya siya ang nakabaligtad habang pumipirma. Anyway, ako si Malayang Juan, kahit hindi naman talaga malaya. Ikaw ba naman ang maghirap ng kung ilan taon dahil sa kawalan ng trabaho at kakaunting sahod. Hindi ka rin malaya kapag nagtrabaho ka ng matagal, tapos babaratin at babalasubasin ka pa sa workplace mo. Kaya hindi na ako nakatiis noon sa trabaho ko, sabi ko, sobra na ito, magtintinda na lang ako ng kamote.  Gumawa ako ng resignati...

Things to know about Federalism: Para naman di Tayo Eengot-engot at "Mayma" lang sa Social Media

Image
(Heads-up, bi-lingual ang artikulo TagLish, parang " Co ño" lang ang dating, pasenisya na) Federalism as a form of government for the Philippines was endorsed as early as Emilio Aguinaldo and Apolinario Mabini. The initial goal was to make the Philippines politically divided into three federal states, i.e. Luzon, Visayas and Mindanao.  Fast-forward. Unang pinanggigilan ni propesor Jose Abueva ng University of the Philippines ang konsepto ng Federalism na nagsabing ang  federal form of government ay kailangan para matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga Filipino sa kultura, paniniwala at kaugalian. Bukod kay Abueva, si Senator  Aquilino Pimentel, Jr.  ay isa ring prominent supporter ng federalism simula pa nung 2001. He sees the proposed system as a key component in alleviating the Mindanao crisis at mapapa-amo ang mga Moro insurgents. Kumbaga, may matinding pangangailangan na pahupain ang nagngangalit na mga a...

Ang Malakas, Ang Maganda at ang Matandang Palalo

Image
Katulad ng mga kuwento ng mga lolo at lola natin, sige, simulan ko ito sa mga katagang..."noong unang panahon..." Noong unang panahon, wala ang tao sa mundo. Tanging mga halaman lamang at ibat-ibang uri ng hayop ang gumagala sa sa kalupaan, katubigan, kalawakan at sa mga sulok ng kalye at peryahan. Wala pa talagang tao noon, as in wala.  At ang dakilang Anito, habang pinagmamasdan ang kanyang  nilikha ay tila nakaramdam ng kalungkutan. Nakakatuwa ang sigla ng mga hayop at halaman na naabot ng kanyang tanaw, mga four kilometers, habang nakikita niyang lumilipad ang mga ibon, ang mga paru-paro ay padapo-dapo kung saan at ang atungal ng mga baka, elepante, lion at iba pang hayop ay naging pang-araw-araw na niyan libangan. Subalit kulang pa rin talaga ang tanawin na iyon. Parang hindi kumpleto ang isang araw niya dahil sa kung anong kawalan. Saka naisip ng Anito... "Hindi kaya napra-praning na ako?"  Kinurot ng Anito ang kanyang pisn...